TAONG BAYAN GINAGAMIT SA IMPEACHMENT KAY VP SARA

ILANG buwan na ang nakalilipas nang ma-impeach sa Kamara de Representante ang pangalawang pangulo ng Pilipinas, si Sara Zimmerman Duterte kasabay sa pagkakulong ng kanyang ama sa Europa.
At habang hinihintay ang pre-trial proceedings kay former President Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherlands, ay umusad na sa Senado ang impeachment proceedings kay VP Sara sa kinakaharap nitong reklamo kaugnay sa paglabag nito sa mga probisyon sa Saligang Batas ng Pilipinas gaya ng paglustay umano ng pangalawang pangulo ng halagang P125 milyon na Confidential Fund of OVP sa loob lamang ng labing-isang araw.
Sa naganap na proceedings sa Kamara, at batay sa mga interpolations ng mga mambabatas na humimay sa mga ebidensiya laban kay sa VP Sara, lumalabas na merong probable cause umano para ma-impeach ang dating Kalihim ng Edukasyon.
Sa Senado naman, nitong June 11, 2025, ay nag-convene na bilang impeachment court ang magsisilbing Senator Judges at inihain na sa OVP ang summons na kailangan sagutin ng kinauukulan sa loob ng non-extended sa loob ng sampung araw.
Kapuna-punang gamit na gamit ang salitang “taong bayan” sa plenary ng Mababa at Matas na Kapulungana ng Kongreso na sila umano ang humihiling para ma-impeach ang pangalawang pangulo.
Nag-viral pa ang mainitang pagtatalo nina senators na si Robin Padilla at Joel Villanueva mabuti at hindi nagpang-abot ang dalawa at sa pagsasalita naman ni Sen. Hontiveros ay gamit parin ang salitang “taong bayan” at ito umano ang gusto ng karamihan.
At sa pahayag naman ni Sen. Bato dela Rosa ay sinabi nitong ‘wag gamitin ang katagang “taong bayan” kasi nga hindi naman lahat ay pabor na mapatalsik si VP Sara kundi doon lamang sa mga uma-ayaw sa kanya. Ganun din ang ipinahiwatig ni Sen. Peter Allan Cayetano na pabirong pinangalanan si Sen. Bato ng Battorney dela Rosa, at mas marami pa umano ang ayaw ma-impeach ang Pangalawang Pangulo ng gaya ng mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao!
Ano nga ba talaga ang bumabalot na issue sa Impeachment na ito?
Totoo nga kaya na may mga sumisira lamang sa imahe ni VP Sara? Gaya sa sinabi ni Sen. Imee Marcos na ito’y umano dahil lamang sa ‘political motivation’ para 2028 presidential elections, dahil nga matunog ang pangalan ni Sara Duterte? Kayat pilit umano siyang pinapabagsak ng ilang may hangad na maging Pangulo ng Pilipinas,
Sa katotohanan, maraming mga pantas na mga abogado ang tunay na nakakaalam ng ruling of impeachment, subalit iba-iba parin ang kani-kanilang basehan at pananaw base sa 1987 Constitution ng ating bansa.
Matatandaang limang (5) senador lamang ang tumutol sa pag-remand (pagbabalik sa Mababang Kapulungan) ng articles of impeachment kontra 18 senators. Kayat ibinalik sa Kamara ang usapin tungkol dito!
Kayo po mga KAMASA ano ang punto nyo?