PAALALA SA PUBLIKO:
BUMIBILI KA BA NG RAW LOTS O SUBDIVIDED LOTS?
Bago magpa-reserve o bumili ng lupa mula sa mga owner, developer, o agent, siguraduhing mayroon itong mga sumusunod na dokumento:
*Reclassification Ordinance mula sa Sangguniang Bayan
*Conversion Order mula sa Department of Agrarian Reform (DAR)
*Development Permit mula sa Municipal Planning and Development Office (MPDO)
*License to Sell mula sa Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD)
*Technical Description o Titulo ng lupa
*Site Development Plan/Subdivision Plan na aprubado ng MPDO at Municipal Mayor
“KAPAG WALA ANG MGA DOKUMENTONG ITO, ILLEGAL SUBDIVISION ANG LOTE!”
ANO ANG MANGYAYARI KUNG NAKABILI KA SA ILLEGAL SUBDIVISION?
1. Walang Zoning Certificate – Hindi ka makakakuha ng building permit.
2. Walang Building Permit – Bawal magpatayo ng bahay o istruktura.
3. Walang Occupancy Permit – Hindi mo magagamit ang bahay kahit matapos nang ipatayo.
4. Walang Kuryente at Tubig – Hindi makakabit ng utilities dahil sa kakulangan ng permits.
PARUSA SA ILLEGAL SUBDIVISION:
– Administrative Penalty: Hanggang ₱10,000 na multa
– Criminal Penalty: Hanggang ₱20,000 at/o 10 taong pagkakakulong
ANO ANG DAPAT GAWIN?
*Mag-double-check ng documents bago bumili.
*Kumunsulta sa DHSUD kung may illegal subdivision.
*Iwasang masayang ang pera – bumili lamang sa lehitimong developer.
(Courtesy to Source: MPDO Conception Tarlac fbpage)




(Darwell Baldos para sa RoadNews)