Bumaba ang WTA Ranking ni Alex Eala; Handa sa National Bank Open

Bumaba sa 69th pwesto ang ranking ng Pinay tennis star na si Alex Eala sa pinakabagong Women’s Tennis Association (WTA) rankings matapos mawala sa Top 60. Mula sa kanyang dating 56th na posisyon, ang pagbaba ay maaaring dulot ng halos isang buwang pagkawala sa kompetisyon pagkatapos ng kanyang European clay at grass court campaigns.

Gayunpaman, positibo pa rin ang 20-anyos na si Eala habang naghahanda para sa kanyang pagbabalik sa torneo. Nakatakda siyang sumabak sa prestihiyosong National Bank Open sa Montreal, Canada mula Hulyo 26 hanggang Agosto 7, kung saan makakalaban niya ang ilan sa pinakamahuhusay na players sa mundo, kabilang ang Russian star na si Aryna Sabalenka at ang American duo na sina Coco Gauff at Jessica Pegula.

Ang torneo ay magiging mahalagang preparasyon para kay Eala bago ang kanyang paglahok sa US Open sa New York sa Agosto 24 hanggang Setyembre 7. Sa kabila ng pagbaba ng ranking, patuloy ang determinasyon ng young Filipina tennis sensation na makipagsabayan sa elite competition at itaas muli ang kanyang posisyon sa world rankings. (Darwell Baldos)