CONGRESS VS SUPREME COURT: SINO ANG TAMA SA KASO NI VP SARA
ROADNEWS EDITORYAL
HINDI lamang tungkol kay Pangalawang Pangulong Sara Duterte ang isyung ito, mahalaga man siya o hindi sa mga mata ng taumbayan.
Ang tunay na pinag-uusapan dito ay kung ang mga tuntunin ng demokrasya ay may saysay o nagiging kasangkapan lamang para sa kapritso ng pulitika.
Simulan natin sa apat na impeachment complaint na inihain laban sa pangalawang pangulo mula noong Disyembre 2024.
Ang unang tatlo ay binigyang-pansin? Wala. Walang debate, walang pormal na pag-aresto, tanging katahimikan lamang ang sumagot.
Ngunit noong Pebrero 5, 2025, sa huling sesyon bago ang midterm break, biglang naipasa ang ikaapat na reklamo sa pamamagitan ng 215 boto.
Walang pagtatalo, walang pagtatanong, walang deliberasyon, tila isang mabilisang laro na walang kontra-pelo.
Subalit narito ang malaking butas: ayon sa 1987 Constitution, isang impeachment proceeding lamang ang maaaring isagawa laban sa isang opisyal bawat taon. Kung gayon, ano ang nangyari sa unang tatlong reklamo?
Binalewala ba ang mga ito, o sinadyang ipagpaliban upang makalusot ang ikaapat? Ayon sa legal team ni Sara Duterte, hindi lamang ito hindi patas, kundi lubhang labag ito sa Saligang Batas.
At ngayon, hindi na nanonood lamang ang Korte Suprema, nagtanong na ito nang mahigpit sa Kongreso. Narito ang siyam na malulupit na katanungan na dapat sagutin:
Una, ano ang nangyari sa unang tatlong impeachment complaints? May pormal bang pagwawakas sa mga ito?
Ikalawa, may legal bang kapangyarihan ang Secretary General upang antalahin ang pag-endorso ng mga ito sa Speaker ng Kamara?
Ikatlo, gaano katagal pinigil ang mga naunang reklamo bago ipinasa ang ikaapat na complaint?
Ikalima, ibinahagi ba ang mga akusasyon sa lahat ng miyembro ng Mababang Kapulungan bago bumoto?
Ikaanim, mayroon bang sapat na ebidensya o kahit isang committee report na sumusuporta rito?
Ikapitong tanong, binigyan ba si VP Sara Duterte ng pagkakataong magtalaga o ipagtanggol ang kanyang sarili?
Ikawalo, nagkaroon ba ang mga mambabatas ng sapat na panahon upang suriin ang mga paratang, o bulag silang bumoto?
At ikasiyam, wasto ba ang pag-iiskedyul ng botohan, o minadali ito nang walang pormal na abiso?
Hindi lamang ito tanong para sa pormalidad, kundi sinusubok nito ang mismong backbone ng due process.
Kung ang unang tatlong reklamo ay sinadyang balewalain upang magkaroon ng “tira-pasok” sa ikaapat, hindi ito impeachment, isa itong ambush. Kung ang mga mambabatas ay bumoto nang hindi man lang binabasa ang kanilang pinagpapasiyahan, mali itong tunay. Ang hakbang ng Korte Suprema ay tila isang malakas na kulog na dapat madinig ng lahat ng Pilipino.
Hinihingi nito ang katotohanan, para sa hudikatura, para sa Saligang Batas, at para sa taumbayan. Sapagkat ang nakataya rito ay hindi lamang ang kinabukasan ng pangalawang pangulo, kundi ang kahulugan ng impeachment, ang kredibilidad ng Kongreso, at kung ang Konstitusyon ay isang buhay na gabay o isang dokumentong pwedeng balewalain kapag kailangan.
Hindi lamang si Sara Duterte ang nasa pagsubok, kundi ang ating mga institusyon ang tunay na sinusukat.

