E-BIKE DRIVERS HUMINGI NG TULONG KAY MAYOR MALAPITAN
Nanawagan ng tulong kay Mayor Malapitan ang isang grupo ng E-Bike drivers sa Brgy. 28 Caloocan City na pinangunahan ng kanilang Presidente na si George Catalan.
Ayon kay Catalan, gusto nilang gawing legal ang kanilang pamamasada at sumunod sa anumang batas na ipapatupad ng LGU , upang makaiwas na sa nanghuhuli sa lugar ng Pajo Caloocan.
Gusto ng grupo mairegistro na ng legal ang kanilang pamamasada para maayos na silang makapagtrabaho at hindi na makaperwisyo sa mamamayan ng Caloocan
Sambit pa ni Catalan malaking tulong ang kanilang pamamasada dahil napagaaral nila ang kanilang mga anak at nakapagbibigay din ng pagkain sa kanilang hapag kainan. Marami rin sa kanilang mga kapwa driver na dating naugnay sa mga masamang gawain tulad ng pagnanakaw at panghoholdap, ang nagbagong buhay.
Handa silang makiisa at tulungan ang ating gobyerno na maisaayos ang trapiko at maglingkod sa mamamayan sa pamamagitan ng tapat at hindi abusado sa lansangan at kanilang mga pasahero. (Ed Tan)
