GLORIA PAPIN, MAY PINATUNAYAN!
I’M BACK ni Anthony Solis
MATAGUMPAY na nairaos ang The Blessing Gloria Papin: A Night of Praise & Worship concert noong Hulyo 19, 2025 na ginanap sa NOVADECI Convention Center, General Luis, Novaliches, Quezon City.
Sa kabilang masungit ang panahon dahil sa bagyong ‘Crising’, hindi nagpapigil ang mga followers ni PCSO Director Imelda A. Papin at kanilang pinuno ang nasabing venue. Ang nasabing benefit show ay inilaan para sa pagtatayo ng sambahan at ang paglulunsad ng feeding program para sa mga kapuspalad na mga bata.
Tampok bilang mga performer sa nasabing benefit concert sina Aileen A. Papin, Maffi Papin Carrion, Borj Papin, Bella B., Jessica Papin, Gen. Pingkian, Gary Cruz at sa ilalim ng direksyon ni Bobby Papin, at ang natatanging panauhin ang Sentimental Songstress Imelda Papin na naghandog ng mga madamdaming awitin. Tampok din ang Philippine Saxophone Band at The Reign of Jesus Christ chorale.
Sa nasabing A Night of Praise & Worship Concert, napatunayan ni Gloria Papin ang kanyang kakayahan bilang mang-aawit at performer.
Congratulations!!!
*****
Maraming mamamayan ng Distrito 5 sa Kyusi ang natutuwa sa muling pagkahalal bilang konsehala ng aktres na si Aiko Melendez na maglilingkod sa loob ng tatlong taon (2025-2028).
Sa aming maikling panayam sa dating Regal Baby, muling nilinaw ni Konse Aiko ang kanyang tuluy-tuloy na programa para sa kapakanan ng mga Senior Citizens sa kaniyang nasasakupang distrito, ganoon din ang pagtutok sa mga needs ng mga PWDs. Tututukan din ng actress-turned politician ang programang pang-edukasyon at ang pagpapatuloy sa programang pang-kalusugan particular sa mga nasa-laylayan ng distrito singko.
Ipinangako ni Kosehala Aiko na tuluy-tuloy ang pagtanggap ng libreng maintenance na gamot para sa mga Senior Citizens at ganoon din sa mga PWDs. Inaayos na rin niya ang pagbibigay ng regular na mga cash allowances sa mga estudyanteng walang kapasidad ang pamilya at balak niyang magkaroon din ng mga iskolar sa high school at koliheyo.
“Nasa programa ko ang mga ‘yan at particular sa education pinag-aaralan ng aking staff kung paano ipatutupad ang scholarship program para sa high school at college level,” paglilinaw ni Kosehala Aiko Melendez.
May your tribe increase Konsehala Aiko!
