OVP, TULOY-TULOY ANG RELIEF OPERATIONS PARA SA MGA BIKTIMA NG BAHA

PATULOY na naghahanda ang Office of the Vice President (OVP) sa pamamagitan ng OVP Disaster Operations Center (OVP-DOC) para sa mga relief operations sa mga lugar na sinalanta ng malawakang pagbaha at pag-ulan.

Ayon kay OVP Spokesperson Atty. Ruth Castelo, mahigit 4,000 pamilya ang tatanggap ng ayuda mula sa OVP-DOC sa mga susunod na araw. Ang relief operations ay tutugon sa pangangailangan ng mga nasalanta sa iba’t ibang apektadong rehiyon.

“Hindi po tayo titigil hanggang maabot natin ang lahat ng nangangailangan. Kasama ng lokal na pamahalaan at volunteers, sisiguruhin nating makarating ang tulong sa mga komunidad na lubhang naapektuhan,” pahayag ni Castelo.

Ang OVP-DOC ay patuloy ring nagmo-monitor sa sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga disaster response agencies para sa agarang aksyon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang opisyal na social media pages ng OVP

(Darwell Baldos)