edizon

SA mga nakalipas na taon, patuloy ang mga alegasyon ng korapsyon, palpak na programa, at panlilinlang ng pambansang pamahalaan sa mga ordinaryong Pilipino.

Mula sa mga pekeng ayuda hanggang sa mga proyektong nagpapayaman lamang sa iilan, narito ang ilan sa mga reklamo ng taumbayan na ating naririnig at napapanood

Tulong na hindi nararamdaman! Sa kabila ng malalaking budget para sa ayuda at social programs, marami pa rin ang nagugutom at walang natatanggap. Saan napupunta ang pondo?

Overpriced Projects: wala namang resulta! Mga proyektong gaya ng Build Better More na inuuna ang pagpapasasa sa kontrata kesa sa kalidad. Bakit laging may anomalya sa procurement?

Fake News at Pagmanipula! Ginagamit ang pera ng bayan para sa propaganda at pagpapalabo sa katotohanan. Ang mga pekeng accomplishment reports at bayad na trolls ay nagtatakip sa mga kabiguan.

Tax Hike, Serbisyong Bumababa! Taon-taon, tumataas ang buwis, ngunit bakit parang lalong lumalala ang trapiko, edukasyon, at serbisyong pangkalusugan?

Promises, Promises, No Action! Bawat eleksyon, panibagong pangako. Pagkatapos manalo, wala nang pagbabago. Kailan magigising ang mga Pilipino sa sistemang ito?

Ano ang masasabi mo?

Ang opinyon dito ay sumasalamin sa sentimyento ng maraming mamamayan at hindi kinakatawan ng lahat. Ang “Pulso ng Masa” ay isang satirical/opinion piece na naglalayong ilantad ang mga isyu sa lipunan. Para sa balanseng pananaw, magbasa rin ng opisyal na pahayag ng pamahalaan.