NO-SHOW NI BASTE vs CREDIBILITY NI TORRE

Kung para sa charity ang intensyon abg Boxing event na ito, bakit parang nagmamadali sila sa pag-set ng July 27 bilang araw ng laban? May nakakaalam ba na mayroon nang nakatalagang biyahe si Baste Duterte papuntang Singapore? At kung oo, hindi ba’t nagmukha itong setup para siya ang mapahiya?
Ayon sa records, na-approve na ang travel authority ni Baste papuntang Singapore noong July 20, 2025, isang linggo bago ang laban. Malinaw na hindi ito last-minute trip. Ang tanong: Alam ba ito ni Torre o ng kanyang kampo bago nila sinet ang July 27? At kung alam nila, bakit hindi inadjust ang schedule para talagang magkatagpo? O baka naman sinadya para magmukhang takot o irresponsible si Baste?
Kung si DILG Secretary Jonvic Remulla mismo ang pumirma ng travel ni Baste, hindi ba’t parang may backing ng administrasyon? O baka naman may mas malalim na laro, gusto kayang sirain ang credibility ng mga Duterte?
Kung seryoso si Torre sa charity, bakit hindi nag-usap para maghanap ng alternate date? O mas importante ang drama kaysa sa aktwal na tulong? Ang pagmamadali sa petsa, sinong may pakinabang dito? Sabagay nakalikom naman ng nasa 20 Milyong piso ang set-up na ito ng kampo ni Gen. Torre.
Ito naman tanong natin sa kampo ni Acting Mayor Baste, bakit kung alam niyang may conflict sa schedule, bakit hindi niya diretsahang sinabi? Bakit mas pinili pa na magdemand ng waiver at drug test? Para bang ginamit niya itong palusot para hindi mapahiya, pero sa huli, lalo siyang napasok sa trap ng sarili niyang mga kondisyon.
Ang tanong na hindi maiiwasan: Ginawa ba ito ni Torre para magmukhang bayani at si Baste ang magmukhang takot? O ginawa ni Baste para magkaroon ng dahilan para iwasan ang laban? Sa pulitika, ang mga ganitong timing ay hindi aksidente, may mga nakatagong strategy ito sa likod.
Dapat sana’y walang lihimang moves, walang mind games. Pero ang nangyari, parang isang chess match kung saan ang mga flood victims ang naging pawn. Sino ba talaga ang nagdala ng pulitika sa charity event, si Torre, si Baste, o pareho sila?
Sa huli, ang malinaw kay KSPHO: May mga tanong na hindi masasagot nang basta-basta. At habang pinag-uusapan ang NO-SHOW ni BASTE vs CREDIBILITY ni TORRE, ang mga nasalanta ng baha, na dapat na sentro ng lahat, ay naging biktima rin ng isang labanang hindi naman nila kasalanan. Dapat ibigay sa kanila ang mga nalikom na halaga.
Ito ay opinyon lamang ng KSPHO base sa mga nakikita, napapanood, naririnig, at napag-uusapan sa kalye, trabaho. Kung ikaw ang tatanungin: May malinis ba sa kanila, o lahat ay may bahid ng pulitika?