TAGUMPAY! DENTAL MISSION NILA KONSI LEMUEL SIMPAUCO, KAP ENRICO “SKY” AGUILAR at IVAN CURT AGUILAR

Ni Ed Tan

Naging matagumpay ang isinagawang dental mission nila Konsi Lemuel Simpauco, Kap Enrico “Sky'” Aguilar at Ivan Curt Aguilar kung saan maraming taga brgy 28, kasarinlan Caloocan City , ang nagpa check up at nagpabunot ng ipin.

Ayon kay konsi Simpauco maliit panlamang siya ay naging ugali na ng kanyang pamilya na tumulong ng tahimik na walang kapalit.

Libre ang pagpapacheck up at pagpapabunot ng ipin at sinamahan pa ng libreng gamot para wala ng isipin ang mga pasyente sa gamot na kanilang kakailanganin .

Tunay na Public service at pagtulong ang isinagawang dental mission hindi politika na halos wala kang makikitang mga naka kalat na mukha sa tarpulin.

Maging isang magandang ehemplo sa ibang mga politiko na kunwari tumutulong ngunit katakot takot na tarpulin ang naka kalat.

Ed Tan nag-uulat para sa RoadNews