Disiplina tugon vs corruption sa flood control funds – Cayetano

Ni Ernie Reyes

Mawawala ang katiwalian sa Pilipinas kung lahat ng Pilipino, mula gobyerno hanggang mga ordinaryong mamamayan, ay may disiplina partikular sa paghawak ng pondo ng bayan tulad ng flood control projects.

Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang online community sa kanyang Facebook livestream na ‘CIA 365 with Kuya Alan’ nitong August 25, 2025.

“Ang sagot sa problema ng corruption ng ating bansa ay magsisimula sa self-governance,” aniya.

“Kahit anong higpit o strict ng gobyerno, kung ang kalaban parati ng gobyerno ay kultura ng corruption, para tayong aso’t pusa na naghahabulan lang,” dagdag niya.

Inihalimbawa niya ang Japan at Singapore na naging maunlad dahil disiplinado ang bawat isa.

“Look at the Japanese and look at the Singaporeans for example. Kahit walang nakatingin, sinusunod [nila] ang batas. May self-governance talaga,” aniya.

Sa nasabing episode, hinikayat ni Cayetano ang kapwa Pilipino na maging “in control” sa kanilang kilos at emosyon, lalo na sa galit. “Ask yourself, do you control your anger or does your anger control you? When you lose control, your anger controls you.” 

“Yes, things should bother us if it’s wrong, but there will be a time and place to correct it. ’Kapag righteous anger y’an at enough lang na galit para may gawin ka at itama mo, you control your anger,” paliwanag pa niya.

Pero dagdag ng senador, bagama’t may mga bagay sa buhay na tayo ang may kontrol, nasa kamay pa rin ng Diyos ang resulta nito. 

“From the start kasi, tinuturuan tayo to be in control. Sinong tutulong sa’yo kung hindi sarili mo? Sinong gagawa ng future mo kung hindi ikaw? Wala pong conflict ’yun. Hindi naman sinabi ni Lord na ‘I’m in control, maging Juan tamad ka,’” paliwanag niya.

“I can tell you confidently that God is in control, God will provide. So you have to trust God kasi God is not only God of the past but also of the present and the future,” diin niya.

Makisali sa gabi-gabing kwentuhan tungkol sa iba’t ibang isyung mahalaga sa Pilipino kasama si Senator Cayetano sa kaniyang official Facebook page. (Ernie Reyes)