Tugon ni Kiko sa anomalya vs flood control projects: Magnanakaw na pulitiko, wag iboto
Ni Ernie Reyes
Hinikayat ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na huwag nang iboto ang lahat ng kilalang magnanakaw sa pondo ng bayan partikular ang ilang may kaso at nakulong sa plunder at graft and corruption bilng tugon laban sa anomalya sa flood control projects.
Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na dapat ibasura ng Filipinong botante ang kandidato na may history ng corruption at hindi mapagkakatiwalaan, dahil nakaangkla ang pangmatagalang solusyon sa patuloy na problema sa baha sa malinis at maasahang liderato.
“Noong unang panahon, mga pulitiko namomorsyento sa proyekto ngunit sa tindi ng pangungurakot, proyekto na lang ang namomorsyento sa pulitiko,” aniya saka tinukoy na umaabot sa 70% ng pondo ng proyekto ang napupunta sa corruption. “That’s not just a leak in the system—that’s a flood. No wonder our projects are delayed or substandard.”
“Ang kinakailangan lang wag na po tayong naghahalal ng mga magnanakaw, mga sinungaling, mga walang kwenta, mga makasariling pulitiko,” dagdag ng senador.

Ipinaliwanag ni Pangilinan na hindi natural ang pinagmulan ng patuloy na problema sa baha Kundi problema sa mahihinang drainage system, baradong sistema, kawalan ng maintenance, kuwestiyonalbne infrastructure planning, at matinding korapsiyon.
“Ilang taon nang pinaglalaanan ng bilyon-bilyong pondo ang flood control. Pero bakit ganito ang resulta?,” tanong nya. “The pattern is clear: corruption in public infrastructure is not just inconvenient—it is dangerous, costly, and unjust.”
Tiniyak naman ng senador na tutuparin niya ang pangakong magpapanukala ng batas upang palakasin ang flood control programs, paunlarin ang disaster risk management, at palakasin ang transparency mechanisms sa government projects.
Ipinanukala ni Pangilinan ang—Senate Bill No. 225 o ang National Water Resources Management Act—”seeks to establish a more coordinated framework for managing the nation’s water resources, enhancing flood prevention, and safeguarding communities vulnerable to climate-induced disasters.”
“It will also create the Department of Water Resources and the Bureau of Flood Control and Drainage,” aniya.