FLOOD CONTROL PROJECT PINASISILIP SA OMBUDSMAN

ni Buboi Patriarca

Pinaiimbestigahan ng IpaBitagMo Inc. (IBMI-NGO) sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control project.

Sa press conference nitong Huwebes sa Quezon City,Ang betiranung journalist na si Ben Tulfo, founder ng IpaBitagMo Inc. (IBMI-NGO) sinabihan nito ang Ombudsman na itigil na ang kanilang pananahimik at simulan na ang motu proprio investigation sa trilyong pisong maanomalyang flood control project ng mga kontratista ng Department of Public Ways and Highways (DPWH).

Hindi na aniya dapat hintayin pa ng Ombudsman ang resulta ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

“Ang Ombudsman talaga ang may mandato na mag-imbestiga sa mga iregularidad at anomalya sa pamahalaan. Umamin na rin si DPWH Sec. Manuel Bonoan na totoo ngang may ghost flood control project sa DPWH,” paliwanag ni Tulfo.

Sinabi ni Tulfo at ng kanilang mga corporate lawyer na mandato ng Ombudsman na mag-imbestiga sa mga iregularidad at anomalya sa pamahalaan.

Noong Miyekrules (August 27), ang IBMI-NGO sa tulong ng kanilang mga legal counsel ay nagsumite ng petition letter sa Ombudsman.