P243-B flood control funds, kakalkalin ni Aquino; ilalagay sa edukasyon, kalusugan

Ni Ernie Reyes

Nais ni Senador Bam Aquino na rebyuhin at mahusay na himayin ang P243-billion flood control budget para sa 2026 na kapag hindi kailangan ang proyekto, ilalaan ang pondo sa mas prayoridad na bagay tuald ng edukasyon at kalusugan.
 
“If we really concentrate and put the money where the important programs are, ano ba talaga ang dapat pagkagastusan natin nang tama?” ayon kay Aquino, chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

“The P243 billion in the 2026 budget for flood control, I’m guessing mababawasan. That will be slashed significantly. I’m hoping some of that will go to education and maybe some of that will go to healthcare,” dagdag niya.

Iginiit ni Aquino na dapat gawing prayoridad ang edukasyon at health are na pawang pangunahing pangangailangan na kailangan may sapat na pondo para sa kagalingan ng mamamayan.
 
“If we’re able to cut where we’re supposed to cut and allocate where we’re supposed to allocate, mas maaabot natin iyan. Hindi siya as impossible as it may seem,” aniya.

Aniya, kapag may sapat na pondo, matutugunan ang isyu sa edukasyon tulad ng166,000 classroom backlog at kawalan ng school equipment  at makapaglalaan sa universal healthcare para sa lahat ng Filipino.

“Five million kids wala silang upuan. Close to 25 percent of our schoolchildren aren’t even sitting in seats. 166,000 classrooms ang kulang. These are all immediate and medium-term kasi hindi naman iyan magagawa tomorrow. If we get the funding now, maybe in a year or two years, that can be resolved,” aniya.

Sa kanyang interpelasyon sa privilege speech ni Senador JV Ejercito,  principal sponsor ng Universal Healthcare Act, nais ni Aquino na matukoy kung magkano ang badyet na kailangan sa buong implementasyon ng batas upang matiyak na hindi na magbabayad ang bawat Filiupino sa gastusin sa kalusugan.


“Magkano ba talaga iyong kailangan para ma-achieve natin ang goal of universal healthcare. Kung hindi malinaw iyong numerong iyon, hindi rin malinaw ang ating mga goal,” aniya.

Inihain ni Aquino ang Senate Resolution No. 28 na himihiling sa kinauukulang  Senate committees na rebyuhin kung paano ginamit ng  Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang implementing agencies ang P360 billion flood control budget sa 2025 General Appropriations Act.

Nakita ni Aquino na kahit nakapaglaan ng P1.47 trilyon sa  flood control mula 2009 hanggang 2024, naghihirap pa rin ang bansa  poor drainage systems, ineffective flood measures, outdated pumping stations, at kawalan ng community-based flood risk management.

Naunang inihain ni Aquino ang  Senate Bill No. 121, o ang Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act, na naglalayong bigyang awtorisasyon ang local government units (LGUs) at private sector entities na magpatayo ng silid-aralan alinsunod sa pambansang pamantayan at alituntunin sa kanilang nasasakupan na may pondo mula sa National Government. 

(Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews)