Ang Tapang at Prinsipyo ni ka Noel Medina: ISANG TUNAY NA TAMBULI NG PAG-ASA

kspho

KSPHO ni Darwell Baldos

Sa gitna ng magulong panahon ng pulitika sa bansa, kung saan ang katiwalian at korapsyon ay sobrang laganap at tila baga naging pamantayan na. Ang mga tinig na katulad ng kay ka Noel Medina ang nagpapaalala sa atin na may pag-asa pa ang bayan.

Naniniwala si Ka Noel na ang solusyon ay nasa tuluy-tuloy na pakikibaka para sa tunay na pagbabago. Ang kanyang panawagan ay direkta at malinaw: “ikulong ang mga korap, labanan ang katiwalian.” Ito’y isang prinsipyong hindi lamang sinasabi, kundi ipinapamuhay, isang bihirang katangian sa ngayon.

Paano tayo hindi sasama sa isang lider na ang buong pamilya ay kasama sa laban? Ang suporta ng kanyang asawa’t anak at ang kanilang pag-akay sa lansangan upang ipagsigawan ang kanilang paninindigan ay pinakamalakas na patunay na ito ay tunay at hindi plastik na pagmamahal sa bayan. Kung ang iyong pamilya ang iyong unang tagasuporta, alam mong nasa tamang landas ka!

Ang kanyang malawak na karanasan mula sa kanyang kabataan, ang pagiging founder ng KADENA, at nanilbihan bilang pinakabatang Konsehal ng Pasig. Ngayon ay miyembro ng CDC ng Pasig City at Presidente ng Tambuli ng Mamamayan ng Pasig. Dati ring naging opisyal ng Political Affairs sa Malacañang, at ngayon ay naglilingkod bilang mamamahayag sa Radyo Pilipinas 1738AM “TikTalk ng Bayan.” Ang mga ito hindi lamang mga titulo sa papel o estrella sa balikat. Ang mga ito ay patunay ng kanyang malalim na pag-unawa sa dynamics ng pag-gugobyerno at sa kapangyarihan ng media, na kanyang ginagamit ngayon upang paglingkuran ang mas nakararami.

Mabuhay ka, Ka Noel! Ang iyong prinsipyo, determinasyon, at walang pagod na pakikibaka ang nagpapasiklab ng liwanag ng pag-asa. Sa panahong marami ang nawalan na ng tiwala, ang iyong tapang ang nagpapaalala na may mga tunay na lingkod-bayan na patuloy na nagsusulong para sa isang mas magandang bukas para sa lahat ng mamamayang Pilipino.