SENATE PROBE MULING IKAKASA SA PANIBAGONG OVERPRICED FARM-TO-MARKET ROADS
Ni Ernie Reyes
Nakatakdang imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang overpriced na farm-to-market road (FMR) projects, habang nagsasagawa ng pagdinig sa flood control anomalies, ayon kay chairman Senator Erwin Tulfo kamakailan.

“I will be meeting with the Senate leadership next week to talk about the direction of the BRC (Blue Ribbon Committee). But definitely may hearing pa (there are still hearings) on flood control before we shift to FMR overprice anomaly,” ayon kay Tulfo.
Hindi binanggit ni Tulfo kung ano ang timeline sa imbestigasyon ng dalawang isyu ngunit, natuklasan sa report na nakatakdang simulant ang pagbubusi dito sa huling bahagi ng Oktubre.
“Siguro po sa October 22, 23. Somewhere around there… And nakita ko pong medyo maluwag-luwag, around 23, 24, mga 26, 27, ganoon po,” ayon sa senador.
Binangit niya ang prayoridad ng ilang kasamahan sa Senado na nakakasalungat sa schedule ng komite. Kasi po ngayon, busy po ‘yung mga ibang kasamahan po natin sa mga budget hearing po, kanya-kanya.”
Naunang sinuspinde ni Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson ang inisyal na planong ipagpapatuloy ang imbestigasyon dahil hindi pa kiumpleto ang dokumento na kailangan ng komite at salungat sa ilang schedule ng ibang imbestigasyon ng Senado.
Tinukoy ni Senador Win Gatchalian na umaabot sa P10.3 bilyon ang overpriced na FMR noong 2023 hanggang 2024.
Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews