911 SERVICE HOTLINE, Planong Maipatupad ng DILG sa Buong Bansa sa Susunod na Anim na Buwan

0

Target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mapagana sa buong Pilipinas ang kanilang 911 hotline service sa loob ng anim na buwan.

Ito ang ipinunto ni Secretary Jonvic Remulla sa ginawang pagdinig ng panukalang 2026 budget ng DILG sa Senasdo.

Sa ngayon kasi ay may kanya-kanyang emergency hotline ang mga LGU at iba pa para sa mga bumbero ayon kay Remulla. may 37 na lokal na pamahalaan sa bansa, at may 37 rin na emergency hotline, dagdag pa nito.

Ayon sa kalihim, sa ngayon ay nasa Phase 1 na ang ahensya sa pagpapatupad nito, kung saan inuna nila ang Cebu, Ilocos, Pampanga, at Region 8.

Kasalukuyang ipinapatupad na rin aniya ito sa Metro Manila ngayon.

Sinabi ni Remulla na sa isang araw ay nakakatanggap sila ng 60,000 na tawag, pero halos 1/3 ng kabuuang bilang na ito ay prank calls.

Inaayos pa aniya ng ahensya ang parusa sa mga prank callers na ito, pero sa ngayon ay pina-flag muna nila ang numero ng mga prank callers at hindi na ito sinasagot kapag tumawag ulit. Jovan Casidsid nag-uulat para sa RoadNews 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *