DPWH Officials, Discaya, IKINULONG sa Senado sa PAGSISINUNGALING
Ni Ernie Reyes
Apat na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ikinulong sa Senado matapo silang i-cite in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson.
Base sa ginanap na pagdinig ng naturang komite, kinasuhan din ng contempt si Pacific Discaya, may-ari ng ST. Gerrard Construction company na sangkot sa malawakang anomalya sa flood control projects.
Pagkatapos ng pagdinig, inihatid ng Office of the Sergeant At Arms (OSAA) ang apat na opisyal ng DPWH na sina Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Hernandez, DPWH-Bulacan District Engineer Henry Alcantara, and DPWH-Bulacan Officer-in-Charge 1st District Engineering Office Jaypee Mendoza.

Nakakulong sila sa detention room ng Senado hangga’t sa susunod na pagdinig o alisin ang contempt charges ng komite laban sa naturang opisyal.
Kaugnay nito, mahigpit na pinabulaanan naman ni Senador Jinggoy Estrada ang alegasyon na humingi siya ng porsiyento mula sa government contract partikular sa DPWH na binanggit ni Hernandez sa kanyang testimonya sa Mababang Kapulungan.
“I have already been crucified and vilified in the past, and once again I am an easy target. I am very vulnerable to these attacks. I vehemently deny that I asked for a percentage in the contracts. These are all hearsay,” ayon kay Estrada sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry nitong Huwebes.
ibinasura din ni Estrada ang kawalan ng basehan at maling akusasyon na ginawa ni Hernandez na dulot ng kanyang paghahabol sa katarungan at katotoahanan, naging target siya ng itinuturing nitong unfounded claims.
Hinamon din ng senador si Hernandez na ulitin at patunayan sa komite at sa kanyang ahrapan ang pahayag na ginawa nito sa House Tri-Committee hearing, na itinuturing ni Estrada na pawang kasinungalingan.
Samantala, pinayuhan naman ni Senate President Vicente Sotto III ang lahat si Hernandez na ilantad ang katotohanan sa apgdinig hinggil sa alegasyon ng anomalya sa flood control proejcts.
Aniya, nakatanggap siiya ng notice of subpoena duces tecum mula sa Independent Commission for Infrastructure kay Hernandez at ipresenta ang records at tumestigo sa lupon.
“For the information of Mr. Hernandez and the public, I just received a notice of subpoena duces tecum for you, for your records, from the Independent Commission a while ago. You are said to testify before them. So, I suggest you collect your thoughts and tell the truth because the Independent Commission is a different story from ‘in aid of legislation’ that we are doing here,” ayon kay Sotto.
Kinuwestiyon din ni Sotto ang pagliban ni dating DPWH USec. Maria Catalina Cabral at Cezarah Rowena “Sarah” Discaya ng Alpha and Omega Construction, kaya napilitan ang komite na magpalabas ng subpoena laban sa kanila upang maobliga silang dumalo sa susunod na pagdinig. Alinsunod na itinakda ng batas, ang subpoena duces tecum ay isang kautusan sa isang tao na dumalo sa korte at dalhin ang lahat ng mahahalagang dokumento.
Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews
