House Speaker Bojie Dy Nais Ipaubaya sa ICI ang Imbestigasyon ng Flood Control Projects

Nais ni House Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III na ipasa na sa Independent Commission for Infrastracture o ICI ang imbestigasyon ng mga maanomalyang proyekto ng flood control.

Sa isang panayam sa kanya ng Media, iginiit ng Speaker na nararapat na ngang ibigay na sa ICI ang pagsisiyasat.

Pahayag pa ni Dy na marami na umanong hindi naniniwala sa mga nangyayari sa komite ng imprastraktura o Infra Comm.

Dagdag pa niya na pinag-uusapan ng liderato ng Kamara ang mga sumusunod na hakbang sa nasabing isyu.

Nauna nang iminungkahi ni House Infra Comm co-chair Terry Ridon na handa na silang bigyang-daan ang imbestigasyon ng ICI at isumite rito ang lahat ng nakalap na dukomento at ebidensya.

Weng Torres nag-uulat para sa RoadNews