10 RESO NA HANDOG SA PADEL PILIPINAS SA PAGIGING ASIAN CHAMPION, APRUBADO SA SENADO
Ni Ernie Reyes
Pinagtibay ng Senado nitong Miyerkoles ang sampung resolusyon bilang handog at pagpapahalaga ng Senado sa Padel Pilipinas na naging kampeon sa 2025 Asia Pacific Champion na ginanap sa Selangor, Malaysia nitong Agosto 28-31, 2-025.
Sa ginanap na sesyon ng Senado, inaprubahan ang Senate Resolution No. 120 ni Senador Juan Miguel Zubiri; SR No. 122, 123, 131 at 132 ni Senador Pia Cayetano; SR No. 124 ni Senador Joel Villanueva, SR No. 126 ni Senate President Vicente Sotto III, SR No. 129 ni Senador Loren Legarda, at SR No. 130 ni Senador Bong Go.
Alinsunod sa resolusyon, pinuri ng Senado ang Padel Pilipinas sa pagiging champion sa 2025 Asia Pacific Padel Cup sa Malaysia; kabilang ang pagbati at pagpapahalaga kay Joanna Tao Yee Tan na nahirang bilang Most Valuable Female Player sa torneo.

Photo Caption: Senador Pia Cayetano nanguna sa pagpapasalamat sa Padel Pipinas na naging kampeon sa Asia Pacific Padel Cup na ginanap sa Malasia kamakailan, sa pamamagitan ng sampung resolusyon na nagbibigay papuri at pagpapahalaga sa grupo. Kuha ni Ernie Reyes
Pinuri din sa resolusyon si Argil Lance Canizares at Tan sa pagkapanalo sa Mixed Professional Category at Johnny Arcilla bilang Most Valuable Player.
Sa press conference sa Senado, sinabi ni Senador Pia Cayetano, founder ng Padel Pilipinas, na magtatayo ng pasilidad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang mapaunlad ang bagong sport na maaaring maisali sa Olympics matapos makipagpulong ang grupo sa Philipine Olympic Committee nong July 25, 2025 na Pinangunahan ni Padel Pilipinas executive director Atty. Jackie Gan, Atty, Mykee Naval at National Team Captain LA Canizares.
“I want to make sure that everyone knows padel for all – not just for kids,m althoung they remain our priority because we want to instill healthy living at a young age,” ayon kay Cayetano.
Walong bansa ang nakipagkumpetensiya sa ginanap na torneo sa Malaysia (defending champion) Hong Kong, Thailand, South Korea, Pakistan, Singapore, India at Pilipinas.
Kabilang sa Team Roster sina Team Captain Argil Lance LA Canizares, kasama si Abdulqoahar “Qoqo” Allian, Johnny Arcilla, Bryan Saarenas, Derick Santos, Raymark “Mac” Gulfo, Fritz Chris Verdad, Joanna Tao yee Tan, Mariam Yasmin “Yam” Garsin, Jed Vallie Rayne Aquino, Danna Mariella Abad, and Joshea Dominque Malazarte.
