Alan, Pia, Kiko, Robin, sumumpa bilang miyembro ng Senate Electoral Tribunal
Ni Ernie Reyes
Kapwa nanumpa sina Senador Alan Peter Cayetano at Francis “Kiko” Pangilinan bilang bagong miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET) na tumutugon sa electoral protest laban sa isang senador.
Pangunahin sa tungkulin ng SET na duminig at magbigay ng hatol sa protest sa pamamagitan ng makatarungan, mabilis, at abot-kayang proseso.
Bukod kina Cayetano at Pangilinan, sumumpa din bilang miyembro sina Senador Pia Cayetano at Robin Padilla.

Ginanap ang panunumpa sa Supreme Court nitong Miyerkoles, September 24, kay Senior Associate Justice Marivic Leonen na nanguna sa seremonya.
Pangatlong pagkakataon nang nahirang si Pangilinan bilang miyembro ng siyam na miyembro ng tribunal na gumaganap upang mapanbatili ang pagtitiwala ng publiko sa sistemang electoral ng bansa sa pamamagitan ng pagdinig sa protestang elektora laban sa nahalal na mambabatas.
Nagsilbi si Pangilinan bilang miyembro ng SET mula July 1, 2001 hanggang June 30, 2004 at mula July 1, 2010 hanggang June 30, 2013.
Dumalo sa panumumpa sina , Hon. Justice Henri Jean Paul Inting, Hon. Justice Ramon Paul Hernando, Atty. Eleanor Anuncacion, Atty. Luis Jose Geronimo, at JV Ejercito (outgoing member).
Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews
