SENATE PROBE ERWIN ‘TO THE RESCUE’ SA PANANAHIMIK NI CAMILLE VS DUPAX MINING ISSUE

Ni Ernie Reyes

Sa kabila ng mararahas na dispersal ng mamamayan sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya na tumututol sa minahan sa lalawigan, walang isinasagawang imbestigasyon si Senador Camille Villar bilang chairman ng Senate committee on environment and natural resources.

Pero, tila “to the rescue” si Senador Erwin Tulfo na naghain ng isang resolusyon upang paimbestigahan ang pag-bypass ng local government unit sa minahan saka kinondena ang marahas na dispersal ng mamamayan sa lugar.

Nitong Lunes, Pebrero 2, nanawagan si Tulfo na imbestigahan ng Senado in aid of legislation, sa mga exploration activities ng minahan ng isang dayuhang kumpanya sa Dupax del Norte,Nueva Vizcaya.

Pinuna rin ni Tulfo, Chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, ang Philippine National Police (PNP) dahil sa paggamit ng  puwersa upang buwagin ang mga nagpoprotestang residenteng, karamihan ay mga magsasaka.

Sinabi ng senador na binigyan ng kinakailangang permit sa pagmimina ang dayuhang kumpanya nang walang konsultasyon sa mga residente at lokal na opisyal.

“Ayon sa mga residente at mismong mga halal na opisyal ng lokal na pamahalaan, wala umanong naganap na tunay, malinaw, at makabuluhang konsultasyon bago ibinigay ang nasabing permit,” ani Tulfo sa kanyang privileged speech.

“Mr. President, kung ito ay totoo, hindi lamang ito simpleng pagkukulang. Isa itong malinaw na pagyurak sa Local Government Code at sa prinsipyo ng local autonomy,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Tulfo na hindi maaaring balewalain ang mga LGU sa mga desisyong ginagawa sa national level.

“Imposible ring balewalain ang mga komunidad na direktang maaapektuhan ng epekto ng pagmimina—sa kanilang lupa, tubig, kabuhayan, at kalusugan,” aniya.

Noong Agosto 25, inaprubahan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang exploration permit para sa Woggle Corp., isang affiliate ng British firm na Metals Exploration Plc at FCF Minerals Corp., sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte, na sumasaklaw sa limang barangay—Bitnong, Inaban, Mungia, Parai, at Oyao.

 Upang tutulan ang exploration activities, nagsimulang magtayo ng barikada ang mga

residente noong Setyembre 2025. Ang Dupax del Norte ay isang 3rd class municipality na may 15 barangay at mayaman sa mineral na may malaking potensyal sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagmimina, lalo na ng ginto at tanso.

Pinakamasama, sinabi ni Tulfo na batay sa mga ulat, puwersahang binaklas ng mga

miyembro ng PNP noong Enero 23, 2026 ang barikada na humaharang sa mining firm papunta sa exploration site at inaresto ang pitong nagpoprotesta.

Tatlong araw pagkatapos, ibinasura ng prosecutors’ office ang mga kasong “resistance and

disobedience” laban sa pitong residente.

“The right of citizens to peacefully assemble and express opposition—especially on

issues that affect their land, environment, and livelihood—is protected by our

Constitution. Any use of force against civilians exercising these rights must be

subjected to the highest level of scrutiny,” ani Tulfo.

“Mining exploration is not a neutral activity. It has long-term implications on water

systems, agricultural land, indigenous communities, and ecological balance. This is precisely why consultation is not an option—it is mandatory,” dagdag pa niya.

Pinagpapaliwanag ng senador si Secretary Raphael Lotilla ng DENR kung bakit

pinayagan ng kagawaran ang exploration project; ang MGB upang ipakita ang lahat

ng dokumento, konsultasyon, at correspondence na nagpapahintulot sa exploration

activities; at ang PNP dahil sa paggamit violent force laban sa sarili nitong

mamamayan.

“Mr. President, the people of Dupax are not asking for special treatment. They are

simply asking for what the law already guarantees them: a voice in decisions that will

shape their future,” pagtatapos ni Tulfo.

Kamakailan, kumalat sa social media ang panawagan kay Villar na magsagawa ng imbestigasyon laban a Dupax mining ngunit kahit nagba-viral ang issue, walang tugon ang tanggapan ng komite na kanyang pinamumunuan hinggil sa isyu.