PAGSASAMA NG RARE DISEASE CARE SA UNIVERSAL HEALTH CARE, HIRIT ni Pia

Ni Ernie Reyes

Matinding kinalampag ni Senador Pia Cayetano ang pamahalaan na isama ang pangangalaga sa pasyente na may rare disease sa Universal Health Care System ng bansa bilang paggunit sa Rate Diseases Act of 2016.

Sa kanyang privilege speech nitong Martes sa Senado, sinabi ni Pia Cayetano na kailangan nang ilahok nang todo ang rare disease care sa UHC upang tuluyang mabigyan ng pag-aaruga ng gobyerno ang mga pasyente ng naturang sakit.

Aniya, kailangan, palakasin ang suporta ng pamahalaan sa mga Filipino na nabubuhay sa rare diseases.

Nanawagan din si Cayetano ng mas mahigpit na implementasyon ng batas, ang Rare Diseases Act of 2016, palawakin ang early diagnosis at treatment at full integration ng rare disease care sa UHC.

“As principal author of the law and Chairperson of the Senate Committee on Sustainable Development Goals, Innovation, and Futures Thinking, I underscored the Philippines’ commitment to SDG 3 on good health and well-being, stressing that inclusive health systems must ensure that no one living with a rare condition is left behind,” ayon kay Pia Cayetano.

Sa kabilang dako, nagpahayag din ng suporta ang mambabatas mulang Taguig City sa Pagpapalakas ng batas sa pagsusulong ng “equitable access” to higher education.

Tumindig si Pia sa plenaryo nitong Martes bilang co-sponsor ng Senate Bill 1894 na naglalayong palakasin ang  Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) dahil hindi sapat ang libreng matrikula upang matiyak na makukumpleto ng mag-aaral ang kanilang kurso sa kolehiyo.  

Binanggit din ng senadora ang 39% national dropout rate sa tertiary education at pagbagsak ng sapi sa subsidiya na nakakarating sa mahihirap na estudyante partikular sa kanayunan.

“Kaya’t mahigpit na pangangailangan na palakasin atin ang Tertiary Education Subsidy at palawakin ang suporta sa indirect school costr,” aniya.

“As Chairperson of the Senate Committee on Sustainable Development Goals, Innovation, and Futures Thinking, I reiterated that advancing equitable access to higher education aligns with Sustainable Development Goal 4 on quality education and remains vital to inclusive nation-building,” aniya.