Caucus ng “TEAM GITING NG PASIG sa looban ng Brgy Sto Tomas Dinumog!

https://youtu.be/eHkMBN2IGVU

PASIG CITY | Good Goverenance, Aktuwal na Serbisyo sa Mamamayan, at Rejection sa TRAPO Culture, dito umikot ang mga pahayag ng TEAM GITING na pinagunnahan ni Mayor Vico Sotto sa isinagawa nilang caucus sa looban ng Brgy Sto Tomas, Pasig City noong Abril 24, 2025.

Dinumog ng mga residente ng barangay ang nasabing caucus, ayon sa aming mga nakapanayam, wala umanong hakot na naganap kundi pawang mga kusang-loob ang mga residente sa pagtungo dito upang making at makita ang kanilang butihing alkalde.

Ang Team Giting ng Pasig nina Mayor Vico Sotto ay suportado ng Tambuli ng Mamamayan ng Pasig na isang kilala na may prinsipyong NGO at pinagugunahan nina Ka Noel Medina at Tito Boyet Miguel.

Darwell Baldos para sa RoadNews