PBBM, lilipad pa-Vatican City ngayong gabi: Bersamin-Remulla-Estrella itinalagang Ph-Caretaker
Ayon sa pormal na anunsyo ng palasyo, ngayong gabi ng Huwebes ang lipad ni Pangulong BBM at FL Liza Araneta-Marcos para dumalo sa funeral ng yumanong Pope Francis, sa Vatican City.
“Mamayang gabi po ang pag-alis ng First Couple,” pahayag ni Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Palayo.
Pinahayag din ni Castro na dadalo ang First Couple sa Pope’s funeral sa St. Peter’s Square sa Vatican City sa Sabado, 10:00 ng umaga Vatican Time.
Tutungo rin sa Vatican City ang mga kilalang lider tulad nila US President Donald Trump, French President Emmanuel Marcon, EU Commission President Ursula von der Leyen, Germn President Frank Walter Steinmeier at Chancellor Olaf Scholz, Ukranian President Volodymyr Zelensky, Argentinian President Jvier Gerardo Milie, Brazillian President Luiz Inacio Lula de Silva.
Napaulat naman na ang mga itinalagang caretaker ng Pilipinas habang nasa Vatican City ang pangulo ay sina Executive Secretary Lucas Berssamin, DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, at DAR Secretary Condrado Estrella III.
Nauna nang ipinagutos ng Malacañang sa pamamagitan ng Proclamation No. 871 ang “Period of National Mourning” sa pagpanaw ni Pope Francis. at tatagal ito hanggang sa Sabado, April 26, 2025. Mananatiling nasa half-staff an gating mga watawat sa lahat ng pasilidad pang gobyerno sa buong Pilipinas sa mga panahong nabanggit.
Joseph Suguitan para sa RoadNews
