7 sa Walong Senatoriables na Inendorso ng INC pasok sa Top12
Mula sa Partial unofficial results ng 2025 National and Local Elections ng Comelec Media Server as of 5:48PM ngayong araw May 13, 2025. Pito mula sa walong kandidato sa pagka-Senador na inindorso ng INC ang nasa Top 12.
Ito ay sina: #1Bong Go, #2Bam Aquino, #3 Bato dela Rosa, #6Rodante Marcoleta, #9Pia Cayetano, #10Camille Villar, at #12Imee Marcos. Hindi man pilalad na masama sa top 12 si Bong Revilla ay nasa pang #14slot naman ito.
Kasama ng pitong Senatoriables sa Top 12 sina #4Erwin Tulfo, #5Kiko Pangilinan, #7Ping Lacson, #8Tito Sotto, at #11Lito Lapid. Pang labing tatlo naman si Ben Bitag Tulfo na may 11,884,232 na boto samantalang si Senator Imee Marcos na pang #12 ay may 13,033,186 na boto. Ang unofficial result na ito ay may kabuuan ng 97.30% presinto ang nakapag-report.
Darwell Baldos naguulat mula sa RoadNews
