Landslide win para kay Mayor Joy at Vice Mayor Gian sa Quezon City

QUEZON CITY | Hindi pa man tapos ang bilangan sa Lungsod ng Quezon, makikita nang landslide ang pagka-panalo nila re-electionist Mayor Joy Belmonte ay running mate nitong si Vice Mayor Gian Sotto laban sa kanilang mga katungali.

Ayon sa partial unofficial results mula sa Comelec as of 7:00PM ngayong araw May 13, 2025, na may 97.89% na ng election returns, makikitang halos 96% ang bumoto kay Joy Belmonte at halos 94% naman ang sumoporta sa kandidatura ni Gian Sotto.

Ang mga numerong ito ang naging dahilan ng Comelec upang pormal at opisyal na nilang prinoklama ang pagkapanalo nina Belmonte at Sotto sa kanilang pangtlong termino bilang mayor at vice-mayor ng Lungsod Quezon.

Darwell Baldos nag-uulat mula sa RoadNews