“MAKE MANILA GREAT AGAIN” Pangako ni Yorme at Chi, Sinuportahan ng mga Manilenyo
MANILA | Ang pangako ni Isko Moreno at Chi Atienza na ‘Make Manila Great Again’ ang sinuportahan ng higit sa kalahating milyong mga Manilenyo. Ayon sa partial unofficial result ng Comelec as of 7:00PM ngayong araw.
Tiyak na ang pagupo sa pwesto ng tandem nila Yorme Isko at Chi Atienza ayon sa data na ilinabas ng Comelec landslide ang panalo ng dalawa laban sa kanilang mga katungali.
Si Mayor Isko na bumabalik sa pagka-alkalde ng Lungsod ay nakapagtala ng 529,940 na boto samantalang ang kanyang mga katungali na sina incumbent mayor Honey Lacuna at Independent Candidate Sam ‘SV” Verzosa ay nakapagtala lamang ng 190,501 at 164,172 na boto.
Samantalang si Chi Atienza, anak ni ex-mayor Lito Atienza, isang Journalist, at dapat na tatakbong konsehal sa 5th District sa ilalim ng tiket ni Lacuna ngunit sumama sa kandidatura ni Isko bilang vice mayor ay umani ng halos 68% na boto mula sa mga manilenyo. Ang 583,124 na boto ng mga manilenyo ay lubhang napakalayo mula sa 249,528 bilang ng boto na tinanggap ni Yul Servo na running mate ni Lacuna.
Ang mga manilenyo ngayon ay umaasang tutuparin ng tandem nina Isko at Chi ang pangako nilang ‘MAKE MANILA GREAT AGAIN’
Darwell Baldos nag-uulat mula sa RoadNews

