Halalan 2025: 10 Dy’s inihalal sa pwesto ng mga Isabeleño!

Ang karerang pampulitika ng pamilya Dy sa lalawigan ng Isabela ay nag-ugat kay Faustino Ng Dy Sr., na naging gobernador ng lalawigan sa loob ng 20years mula 1971 hanggang 1986 at 1988 hangang 1992. Bago siya naging gobernador ay inihalal muna syang konsehal ng Cauayan noong 1962 at naging alkade ng bayan noong 1964.
Ngayon halalan 2025 ilan sa mga anak at apo ng yumaong lakay Tino ang pinagkatiwalaan at ibinoto ng mga Isabeleño.
Si Francis Faustino “Kiko” Dy, na 3-term-mayor ng bayan ng Echague, anak ni Bojie Dy III, ay uupong bise gobernador sa lalawigan ngayong 2025 (unopposed).
Si Bojie Dy III naman ay uupong congressman ng 6th district (unopposed) kapalit ng anak nitong si 2-term-Congressman Faustino “Inno” Dy V, na sya namang uupo ngayong alkalde sa bayan ng Echague.
Sa Cauayan City, panalo ang tambalan ng magpinsang Cesar “Jaycee” Dy Jr., at Benjie Dy III, sa pagka alkade at bise alkalde ng lungsod laban sa kanilang tyuhin na si Bill Dy at Atty Ding Ramirez.
Uupo sa pangalawang termino sa pagka mayor si Faustino “Dondon” Dy sa bayan ng San Manuel at ang kapatid nitong si Faustino “King’ Dy ay mananatiling Provincial Board Member ng 5th District ng Isabela.
Mananatili paring si incumbent Michael Carlos “Mike” Dy III, bilang Congressman ng 5th District.
Sa Ikatlong distrito ng Isabela ay mananatili sa puwesto si incumbent congressman Ian Paul Dy, anak ni Napoleon “Pol’ Dy.
Wagi rin sa pagkamayor ng Santiago City ang asawa ni Inno Dy na si Sheena Tan-Dy laban kay Otep Miranda.
Hindi naman pinalad ngayong halalan na maging mayor sa bayan ng Cordon si Victor Dy. Samantalang sa bayan ng Cabatuan ay hindi rin lumusot si Benben Dy sa karera nito bilang alkalde ng bayan.
Sa kabuuan sampu ang Dy na pinagtiwalaan ngayon ng mga taga isabela. 3 congressman, 1 bise gobernador, 1 Board Member, 4 na Mayor at 1 Vice Mayor.
Darwell Baldos naguulat para sa RoadNews