P1.6 BILYONG HALAGA NG ILEGAL NA DROGA NASABAT SA PANGASINAN
Dagupan City | Bilang pagpapakita ng matatag na dedikasyon sa paglaban sa ilegal na droga, nagtungo sa Pangasinan si Acting Chief ng Philippine National Police (PNP), Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr.
Kasama niya sa pagbisitang ito nina PMGEN Ronnie Francis M. Cariaga (Director for Operations), PMGEN Westrimundo Obinque (Director for Comptrollership), PBGEN Wilson Joseph Lopez (Director for Intelligence), at PBGEN Edwin A. Quilates (Director, PDEG).

Ang kanilang pagdalo ay upang personal na masaksihan ang matagumpay na dalawang araw na operasyon na pinamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pangunguna ng Director General/Undersecretary Isagani Nerez, kasama ang Police Regional Office 1 sa ilalim ng pamumuno ng Regional Director nito na si PBGen Dindo R. Reyes, at ni PCOL Arbel Mercullo, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office.
Naging matagumpay ang operasyong ito sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng mga ahensya ng gobyerno, kung saan nasabat ang tinatayang isang tonelada ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P6.9 bilyon.
Ang pinagsikapang operasyong ito ay isang malinaw na tagumpay at patunay sa epektibong pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno para sa layuning makamit ang isang ligtas at maayos na kinabukasan para sa bawat Pilipino.
Edizon Cancino nag-uulat para sa RoadNews
