AZENITH BRIONES, DINAMAYAN NI PIA MORAN SA HINAGPIS
NAKIKIRAMAY kami sa pamilya ng aktres at beauty queen na si Azenith Briones sa pagpanaw ng kanyang biyenang babae na si Erlinda Reyes sa San Pablo City.
Nang oras na matanggap ni Azenith na sumakabilang-buhay ang kanyang mother-in-law, ipinagpaliban niya ang lahat ng kanyang mga miting at kagyat siyang nagtungo sa San Pablo City para makipaglamay.
Anak ni Erlinda ang asawa ni Briones na si Elrey Reyes, Eleuterio Reyes sa tunay na buhay.
Magkasama na sa kabilang buhay ang ina at anak.
Hindi nga ba’t namatay si Elrey sa pagkasunog ng isang bahagi ng Resorts World Manila noong 2013?
Ito ay dahil nga may isang lalaki na bigo sa bisyo at sumunog sa isang parte ng RWM at nadamay nga si Elrey at na-suffocate at namatay.
Komplikasyon naman mga bahagi ng katawan ang naging sanhi ng kamatayan ni Ginang Erlinda na walumpu’t pitong taong gulang.
Mahal na mahal ni Azenith ang kanyang biyenan.
Presente sa burol gabi-gabi ang mga anak nina Briones at Elrey na sina Jordan, John Rey at James Matthew dahil sa paggalang at pagmamahal sa kanilang lola. Wala lang nga ang transgender na anak ni Azenith na si Preciosa.
Pagkatapos ng trahedya sa pamilya ay haharap naman si Zenith at ang kanyang tatlong anak na lalaki sa game show ng GMA Network na “Family Feud” na ipapalabas sa lalong madaling panahon sa pagho-host ni Dingdong Dantes.
Ang ilang sa mga celebrity na nakipaglamay sa ina ni Azenith ay sina Pia Moran, Francis Perez Iwata at iba pa.
Nagtapon din kami ng huling sulyap sa mom-in-law ni Azenith nang manggaling kami sa Lopez, Quezon na ang biyahe ay dumaraan sa San Pablo City. (Boy Villasanta)
