Boluntaryong Pagtulong ng MMP sa Relief Repacking Operations para sa mga Biktima ng Bagyo
Quezon City | Kahapon, Hulyo 24 2025, ay nagkaisa at nag boluntaryo ang ilang myembro ng Malayang Mamamayang Pilipino (MMP), sa pangunguna ng kanilang national chairwoman na si Madam Yolanda Lumaban, upang tumulong sa isinagawang rice at goods packing ng GMA Foundation sa Quezon City. Ang mga relief goods ay ipamamahagi sa mga pamilyang nasalanta ng mga nagdaang bagyong Crising, Dante, at Emong.
Sa ilalim ng mainit-init na pakikipagtulungan ng MMP at 3GMA Foundation, masigasig na nag-ambag ang mga boluntaryo sa paghahanda ng mga food packs na naglalaman ng bigas at iba pang pangunahing pagkain. Layunin ng proyektong ito na maabot ang libu-libong pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil sa mga nagdaang kalamidad.

Pahayag ni Madam Yolanda Lumaban, “Ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang tungkulin kundi pagpapakita ng tunay na diwa ng bayanihan. Kasama ang MMP, patuloy kaming handang maglingkod sa mga Pilipinong nangangailangan, lalo na sa panahon ng sakuna.”
Ang GMA Foundation ay nagpasalamat sa dedikasyon ng MMP at sa lahat ng boluntaryong naglaan ng oras at lakas para masiguro ang mabilis at maayos na distribusyon ng tulong.
Bukas, araw ng Sabado, ay muling kumasa na tutulong ang grupo ng MMP sa repacking activity ng DSWD-NCRO sa Pasya City.
Patuloy ang koordinasyon ng MMP sa mga ahensya ng gobyerno upang matiyak na mabilisang maisagawa ang repacking ng ayuda at maihatid agad sa mga lugar na pinakaapektado ng mga bagyo.
(Darwell Baldos para sa RoadNews)
