MARA LOPEZ, MALAPIT NANG MANGANAK
SAMANTALA, humantong na nga sa mabuti ang pag-aasawa ni Mara Lopez at ng American businessman na si Chandler Booth.
Kagampan na si Mara, Mara Lopez Yokohama sa tunay na buhay, sa kanilang magiging panganay ni Chandler.
Nagdaos na ng baby shower ang mag-asawa at ang host ng pagdiriwang ay walang iba kundi ang ina ng aktres na si Maria Isabel Lopez, ang 1982 Binibining Pilipinas-Universe at isang premyadong aktres.
Tunay na masayang-masaya ang malapit nang maging lolang si Maria Isabel.
Sa Sebastopol, California sa Amerika ginawa ang baby shower at maraming panauhin ng mga Lopez at Booth ang dumalo at nakibahagai sa pasinaya.
Hindi mapigil ni Maribel ang ipabatid ang kanyang walang kapantay na kaligayahan sa nalalapit na pagsisilang ng kanyang unica hija.
Ayon kay Maria Isabel: “Thrilled to host Mara’s baby shower! We are all so excited to welcome Baby Booth! Cheers to the proud parents to-be.”
Tunay na larawan ng isang babaing Filipina si Mara.
Hindi nga ba’t may mga Pinay na matagal nang buntis o malaki na ang tiyan sa araw ng kanilang kasal?
Pero iba si Mara.
Kahit siya ay liberated o makabago at moderno ang pananaw sa buhay, hindi siya basta-basta o nagloloko kahit na bago siya ikasal.
Hindi nga ba’t noong Nobyembre noong isang taon ikinasal sina Mara at Chandler pero ngayon lang kagampan ang sinapupunan ng aktres?
Tunay na hinintay niyang siya ay makasal bago magbuntis.
Nakakabigla ang ganitong kalagayan ni Mara dahil ang alam at nakikita natin sa kanya ay ang kanyang pagkamapusok dahil sa kanyang mapangahas na paghububad sa harap ng kamera o pagkilos ng kalandian pero iba siya sa likod ng kamera.
Isa siyang babaing may paninindigan at iginagalang ang tradisyon sa gitna ng modernisasyon.
Binabati namin sina Mara at Chandler. (Boy Villasanta)
