Serbisyong May Ngiti at Maagap na Pagtulong ni Mayor Allan De Leon sa Taytay, Rizal

Ang tunay na lider ay hindi lamang nakikita sa mga malalaking proyekto o sa mga seremonya, kundi sa kakayahan nitong maramdaman at tugunan ang pangangailangan ng mga tao lalo na sa panahon ng krisis.
Ito ang ipinapakita ni Mayor Allan De Leon ng Taytay, Rizal, sa kanyang maagap at hands-on na pagtulong sa mga residente, partikular sa mga nasalanta ng bagyong Crising.
Kamakailan lamang, personal na binisita ni Mayor De Leon ang Sitio Tagumpay at Sitio Bayabas upang mamahagi ng relief goods, food packs, at malinis na tubig. Hindi lamang ito simpleng pamimigay, ang pagiging presente niya at ng kanyang mga konsehal, nakangiti at direktang nakikipag-ugnayan sa mga tao, ay nagpapakita ng malasakit at dedikasyon. Sa mga evacuation centers sa Taytay, tiyak na nagbigay ng ginhawa ang kanilang pagdating, hindi lamang sa pisikal na tulong kundi sa moral na suporta.
Higit pa rito, ang Smile Safe Taytay App ay isang makabagong solusyon upang mapabilis ang pagtugon sa mga emergency. Sa pamamagitan nito, madaling makakapag-report ang mga residente ng anumang problema o pangangailangan, na nagpapatunay na ang pamahalaang lokal ay nagsusumikap para sa mas mabilis at epektibong serbisyo.
Ang ganitong uri ng pamumuno, pro-aktibo, mapagkalinga, at may ngiti sa gitna ng pagsubok, ang siyang nagbibigay inspirasyon sa komunidad. Sa halip na puro salita, aksiyon at pagmamalasakit ang ipinapakita ni Mayor De Leon.
Sa panahong puno ng hamon, ang ganitong liderato ang nagpapaalab ng pag-asa at tiwala sa gobyerno.
Serbisyong totoo, serbisyong may puso, yan ang Taytay, Rizal sa ilalim ni Mayor Allan De Leon!
