‘BARBARIC PRACTICE’ NG HAZING SA KIDAPAWAN, KINONDENA NI ZUBIRI: ‘19 ESTUDYANTE PINASO’
Ni Ernie Reyes
Matinding kinondena ni Senador Juan Miguel Zubiri ang itinuturing nitong “barbaric practice” na hazing sa 19 na criminology students sa Central Mindanao Colleges sa Kidapawan City kamakailan.
Sa pahayag, sinabi ni Zubiri, pangunahing awtor ng Anti-Hazing Law, na hindi makatao ang ginawang hazing sa 19 estudyante na nagkaroon ng severe burn injuries sa katawan.
“I condemn in the strongest terms the barbaric practice of hazing of criminology students at Central Mindanao Colleges in Kidapawan City, which has left 19 young people with severe burn injuries,” ayon kay Zubiri.
Aniya, hindi ito kapatiran, at hindi rin disiplina, isa itong cruelty na walang dangal sa pananakit ng kapwa at walang puwang ang ganitong klaseng karahasan sa ating mga paaralan.
“Those responsible must face the full force of the law,” aniya.
Sinabi ni Zubiri na malinaw na nakatakda sa Anti-Hazing Law na maaaring makulong nang habambuhay ang sinumang sangkot sa malupit na hazing bukod sa pagmumulta ng P3 milyon.
“The Anti-Hazing Law is very clear. The gravity of the injuries inflicted may subject these perpetrators to reclusion perpetua and a fine of up to P3 million. Kung ganito kabigat ang parusa, dapat maramdaman ito ng mga gumawa ng krimen,” aniya.
“I commend Dean Rolando Poblador for acting swiftly to stop the so-called initiation rites. The school must continue to extend full support to the victims and their families as they consider filing charges,” giit ng senador.
Aniya, malinaw ang panawagan: huwag ninyong protektahan ang mga gumawa nito, huwag ninyong pagtakpan. Justice must be swift and uncompromising.
“We have to make an example out of this case. Para tuluyan nang mamatay ang kultura ng hazing na paulit-ulit na kumikitil at nagpapahirap sa kabataan, kailangan may managot sa insidenteng ito,” ayon sa senador.