PANGANGALAGA SA KAPAYAPAAN, ISINAGAWA NG SARGE TASK FORCE SA BRGY MT. VIEW
MARIVELES, BATAAN – Matagumpay na naisagawa ang isang malawakang roving patrol sa Barangay Mt. View ng mga boluntaryong myembro ng Sarge Task Force noong Linggo, Agosto 31, 2025, mula 10:00 ng gabi hanggang 1:30 ng umaga.
Sa ilalim ng mahigpit na pangangasiwa ni PSD Rico Mario R. Tiam, ang operasyon ay bahagi ng pinaghusay na hakbang ng barangay laban sa mga ulat ng pangunguwarta at nakawaan. Kaagapay ang mga miyembro ng Pag-asa Mt. View Iglesia, sama-samang lumabas ang mga residente at may-ari ng tahanan upang aktibong patrolyahin ang kanilang lugar.
Kabilang sa mga boluntaryong naglingkod at nagsakripisyo ng oras para sa kapakanan ng komunidad ay sina Rico Mario R. Tiam, Danilo P. Climacosa, Remegio M. Castillo, Jesus S. Yuga, Rommel L. Emillada, Joel O. Hilario, at Maria G. Abad pawang mga myembro ng SARGE Task Force Bataan Chapter.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng barangay sa dedikasyon ng lahat ng mga boluntaryong itinuturing na mga bayani.
Erlinda Tinitigan nag-uulat para sa RoadNews
