Biktima ng Pandurukot sa Sandigan, Humingi ng Saklolo!
QUEZON CITY – Isang dalaga ang lumapit at nagsumbong sa atin sa SARGE Task Force at agad rin naman nating ipinabatid sa mga awtoridad upang mabigyang aksyon ang kanilang sumbong. Ito ay matapos madukot ang kaniyang cellphone kaninang tanghali sa area ng sandigang bayan.
Ayon sa biktima, naganap ang insidente sa may area ng Sandigan at agad silang humingi ng saklolo upang mahabol ang mandurukot at mabawi ang nawalang cellphone. Gayunpaman, sa kasamaang-palad, ay hindi na mahagilap ang kawatan at ang telepono ay hindi na matawagan bagaman huling na-locate ang cellphone sa lugar ng Ilang-ilang ayon sa mga awtoridad.
Ang nasabing insidente ay agad na iniulat at ginawan ng police blotter sa Batasan Police Station para sa karagdagang pagsisiyasat.
Kaugnay nito, mahigpit na pinapayuhan ng SARGE Task Force at RoadNews ang publiko na panatilihin ang pag-iingat lalo na sa mga matataong lugar upang maiwasan ang mga ganitong insidente at huwag mapinsala ng mga kawatan.
Samantala, ayon sa nakagawian, boluntaryong nagduty ang SARGE Task Force sa harap ng St. Peter Parish ngayong araw upang tumulong sa PNP sa pagpapanatili ng peace and order sa lugar. At sinamantala narin ng grupo ang pagdalo ng maraming tao sa misa upang mamahagi ng mga pulyetong nagpapaalala sa publiko na iwasan ang droga. Ang simpleng reminder na ito ay naglalayong paalalahanan ang lahat na ang droga ay isang salot na dapat layuan.
Nag-uulat para sa RoadNews, STF Linda Tinitigan