NCRPO: Handa sa Mga Protesta sa Kamaynilaan; Nanawagan para sa Mapayapang Pagpapahayag

ni Darwell Baldos

MANILA – Nakatutok na ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa mga inaasahang protesta sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Sa isang pahayag, iginiit ng NCRPO na iginagalang nila ang karapatan ng mamamayan na magtipon at magpahayag ng kanilang mga hinaing, ngunit paalala ng kapulisa, dapat sa isagawa ito nang mapayapa at naaayon sa batas.

“Habang ipinapatupad namin ang maximum tolerance, hindi namin papayagan ang anumang paglabag sa batas”, ayon sa pahayag.

Naka-full alert na ang yunit ng pulisya upang protektahan ang mga demonstrador at ang publiko. Naglagay na rin ng mga security measure ang NCRPO upang maiwasan ang hindi inaasahang pangyayari tulad ng basag-ulo, vandalismo, at mga abala sa trapiko.

Nanawagan ang kapulisan sa mga lalahok sa protesta na magpakita ng disiplina at respeto sa batas. Hinihikayat din ang mga ordinaryong mamamayan na manatiling alerto, umiwas sa mga lugar ng protesta kung maaari, at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa kaligtasan ng lahat.

Patuloy anila ang commitment ng NCRPO ma panatilihing ligtas, maayos, at mapayapa ang Kalakhang Maynila, isang lugar kung saan nagpapatunay ang kalayaan at responsibilidad.

Darwell Baldos nag-uulat para sa RoadNews