GURO PINURI ni Cayetano: ‘Tagapagtanim ng magandang kinabukasan ng bansa’

0

Ni Ernie Reyes

Napakahalaga ng papel ng mga guro bilang mga tagapagtanim para sa kinabukasan at ng mabuting values sa kabataan.

Ito ang pagbibigay-pugay ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga guro sa bansa ngayong World Teachers’ Day, na ipinagdiriwang sa buong mundo ngayong October 5, 2025. 

“The future of the Philippines is in your hands… Whatever ang itanim n’yo ngayon, ‘yan ang Pilipinas, 30, 40 years from now,” wika ng senador sa mga guro na nagsisilbing ‘pangalawang magulang’ sa paaralan.

“Ang estudyante ang seed, and school naman natin y’ung soil, and then ang pagtuturo ng ating mga teacher ang pagdidilig,” dagdag niya, sabay banggit ng prinsipyo sa Bibliya ng  pagtatanim at pag-aani.

Nagmula sa pamilya ng mga guro si Cayetano. Matagal na nagturo ang kanyang lola na si Julianna Cabrera at ina na si Sandra Schramm. Ang kanyang ama, ang yumaong Senador Rene Cayetano, ay propesor din sa isang law school.

Isang masugid na tagapagtaguyod ng reporma sa edukasyon ang senador. Nagsilbi siya bilang co-chair ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), at bilang 19th Congress Chairman ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education.

Nanawagan siya para sa mas matatapang na reporma at mas wais na paggamit ng pondo upang umusad ang edukasyon sa bansa. Kabilang rito ang kanyang paghimok sa mga guro na ipahayag ang kanilang mga pangangailangan.

“Whatever we can do to support you, please tell us,” udyok niya sa mga guro. 

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *