Kiko umapela kay Lacson vs pagbibitiw sa BRC: ‘Kailangan ka ng bayan’

0

Ni Ernie Reyes

Mahigpit na umapela si Senador Francis “Kiko” Pangilinan kay Senate President Pro-Tempore Panfilo “Ping” Lacson na manatili bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee dahil mas higit na kailangan siya ng bayan laban sa korapsiyon.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na umaasa siyang ikokonsidera ni Lacson ang desisyon na magbitiw bilang chairman ng Blue Ribbon Committee.

“My sense was and is that while there were a number of our colleagues in the Majority bloc who disagreed with some earlier public pronouncements made by him, the matter had been threshed out and clarified by him in a majority caucus held last Wednesday Oct 1,” giit ni Pangilinan.

Aniya, wala sa majority bloc ang gustong palitan siya bilang chairman ng makapangyarihang komite na dating hawak ni Senador Rodante Marcoleta na tila pinoprotekahan ang mga kontraktor partikular ang mag-asawang Discaya na sangkot sa ghost project s flood control

“No one in the majority bloc sought his replacement as Blue Ribbon Committee Chairman,” ani Pangilinan.

“I appeal to Senator Ping to stay on as Blue Ribbon Committee Chairman and appeal as well to our colleagues in the majority bloc to reaffirm our support for him to stay on even as we iron out our differences,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Pangilinan na kanyang pinupuri ang sensitivity ni Lacson sa hinaing na ipinahahaaga ng kapwa mambabatas sa mayorya na dahilan kung bakit siya nagbitiw.


“I am still hopeful that with the renewed support of the Majority bloc he will be convinced to stay on,” giit ni Pangilinan.

“Now more than ever, amidst the political crisis facing the nation, our people are looking for stability and certainty in the state of our affairs and looking to the strength of our institutions to withstand the ongoing crisis and resolve it in favor of truth, transparency and public accountability,” paliwanag ng senador.

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *