UPDATE SA PAGBALANGKAS NG ACCOUNTABILITY SA NUCLEAR LIABILITY, TINITIMBANG NG SENADO
Ni Ernie Reyes
Tinitimbang ng Senado ang pag-update sa balangkas ng pananagutan sa nuclear liability sa gitna ng interes ng mga investor.
Sa isang hearing ng Senate Committee on Science and Technology, sinabi ng mga opisyal ng Department of Science and Technology–Philippine Nuclear Research Institute na ang malinaw na mga patakaran ay susi sa pag-akit ng pribadong pamumuhunan at pagtiyak ng pananagutan sa kaso ng nuclear incident.
Ayon kay DOST-PNRI Director Carlo Arcilla, malapit nang makumpleto ng bansa ang mga kinakailangang institusyon para sa nuclear power development, kabilang ang pag-operationalize ng isang independent nuclear regulator.

“Makatutulong ito sa pag-akit ng mga investor at pagtiyak ng kalamanan sa paggamit ng nuclear energy,” sabi ni Arcilla.
Ang Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilAtom) ay ang independent nuclear regulator ng bansa na may mandato na pangasiwaan ang ligtas, secure, at mapayapang paggamit ng nuclear energy at radiation sources.
Ayon kay Senator Bam Aquino, ang isang modern liability regime ay magbibigay ng klaridad sa mga patakaran sa pananagutan at kompensasyon sa kaso ng aksidente, na makatutulong sa pag-akit ng mga investor.
Ilang mga kompanya ang nagpahayag ng interes ngunit naghihintay ng klaridad sa regulasyon.
Ang Senate Bill No. 1206 ay naglalayong i-update ang Atomic Energy Regulatory and Liability Act of 1968 upang umayon sa mga internasyonal na pamantayan.
Ang panukala ay nagtatatag ng mahigpit na pananagutan ng operator, nagtatakda ng mga kinakailangan sa seguridad sa pananalapi, at nagbibigay ng mga mekanismo para sa mga claim at kompensasyon.
