Ituloy ang kasalukuyan… AYOY RESUELLO PA RIN ANG INIHALAL NG SAN CARLENIANS

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN | Sa katatapos na halalan, ipinakita ng mayorya ng mga taga-San Carlos, na ayaw na nilang bumalik sa nakaraan, kaya ipinanalo nila si incumbent Mayor Julier “Ayoy” Resuello.  

   Hindi kaila na puspusan ang kampanyang ginawa ng mga aspirants sa pagka-mayor sa syudad ng San Carlos. Katunggali ni incumbent Mayor Ayoy Resuello ang kanyang kumpare na si Lester Soriano, dating konsehal sa San Carlos City.

    Bagaman may mga patutsadahan sa panahon ng pangangampanya, ay naging tahimik naman at maayos ang pagdaraaos ng halalan noong May 12, 2025. Katunayan 5:00am, ay nakabukas na ang mga presinto upang mabigyan ng prayoridad ang vulnerable sectors, tulad ng mga senior citizens, buntis,  at PWD (persons with disabilities).

   Sa higit 9,000 votes na lamang ni incumbent Mayor Resuello, ay ang nagpabalik muli  sa kanya bilang alkalde ng San Carlos City. Ganu’n din ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Joseres “Bogs” Resuello na 14,000  ang naitalang lamang sa katunggali nitong si Jonathan Lomboy.

    Ayon sa mga taga-San Carlos, ramdam nila ang malasakit, ligtas, maayos at maunlad na serbisyo ng magkapatid na Resuello, at patunay umano ito na ayaw na nilang bumalik sa nakaraan dahil maunlad naman na ang kanilang syudad.

    Samantala, nagpasalamat naman ang magkapatid na Resuello sa lahat ng mamamayan ng San Carlos City at ipinangako nilang makakaasa ang  kanilang nasasakupan sa patuloy n’yang tapat na paglilingkod sa lungsod, at sa pagpapaabot ng kinakailangang tulong.

     Sa muling pagkakataon naman, ay nananalo rin ang mga konsehal ni mayor Ayoy na napagkaisahan iboto ng grupo ng Iglesia Ni Cristo (INC).

     Sa Basista,Pangasinan naman ay nanalo rin sa isa pang pagkakataon ang kapatid ni Mayor Ayoy na si incumbent mayor JR Resuello. Landslide ang pagka-panalo ni Resuello sa kalaban nito na si Edgardo Palma.

    At bago ang botohan ay nasunog ang kanilang palengke sa Basista.

    Sa patuloy na pamamayagpag ng mga Resuello sa pulitika ay hindi maipagkakaila na sila ay mahal ng kanilang nasasakupan.

(Edizon Cancino)