GOV’T OFFICIALS, KAANAK IPAGBABAWAL NA SUMAWSAW SA PUBLIC PROCUREMENT PROJECTS
Mahigpit na ipagbabawal na sumali, lumahok o sumawsaw ang sinumang opisyal ng pamahalaan sa lahat ng uri ng public procurement na kumikilos bilang kontraktor, supplier o ahente bilang bahagi ng panukalang batas na sugpuin ang korapsiyon partikular sa imprastraktura at flood control.
Sa pahayag, sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na kanyang isusulong ang bagong batas sa pagbabawala bilang suporta sa pamanawaganni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na palakasin public accountability sa kanyang 2025 State of the Nation Address (SONA).
Sa SONA, kinondena ni Marcos ang pang-aabuso at maling paggamit ng public funds sa kuwestiyonable at palpak ng flood control projects kaya lumulubog sa baha ang maraming lugar sa bansa tuwing tag-ulan.
“Bilang katugunan sa panawagan ng Pangulo kaugnay sa corruption, conflict of interest at hindi tamang paggamit ng pondo, maghahain kami ng isang panukalang batas na ang layunin ay ipagbawal up to the fourth civil degree of consanguinity and affinity ang sinuman na mambabatas o opisyal ng pamahalaan, nasyonal man o lokal, na maging kontraktor o supplier sa pamahalaan,” ayon kay Escudero.
“Para sa akin, klarong conflict of interest ‘yun, at hindi dapat pinapahintulutan hangga’t hindi nawawala ang opisinang pinanghahawakan ng opisyal,” aniya. “Pinapadraft ko na ngayon at inaasahang maipa-file namin kung hindi mamaya ay bukas dahil simpleng panukala lamang ‘yan.”
Layunin ng panukala na palawakin ang paghihigpit sa public procurement at nilinaw na sakop ng disqualification ang pagbibigay pakahulugan sa “government contracts” sa lahat ng kasunduanm sa pagitan ng pamahalaan at alinmang ahensiya ng pamahalaan kabilang ang government-owned or controlled corporations (GOCCs) at local government units—na tumutukoy sa:
•supplies, materials, machinery, equipment, and services;
•infrastructure projects;
•joint ventures;
•public-private partnership projects; and
•other similar or analogous agreements or undertakings.
“This shall include arrangements where the government acts as the procuring party, partner, shareholder, implementing agency, end user, or a party contributing public funds or property. Contracts that are highly technical, proprietary, or confidential in nature shall be excluded,” ayon sa panukala.
Kinastigo ni Marcos sa kanyang SONA ang lahat ng opisyal ng gobyerno na nagnanakaw ng pondo kabilang ang badyet para sa pagtugon sa pagbaha sa buong bansa sa kabila nang paglalaan ng dambuhalang salapi para idto kasunod ng malawakang pagbaha sa Luzon deulotng bagyo at Habagat ng ilang araw.
“Mahiya naman kayo sa inyong kapwa Pilipino … Let us not pretend anymore. The whole public already knows the racketeering going on: kickbacks, initiative, errata, SOP, ‘for the boys,’” ayon sa Pangulo.
Iniutos ni Marcos ang kumprehensibong awdit at paglalathala ng lahat ng flood control projects sa nakalipas na tatlong upang masuri ng mamamayan.
“Isa ‘yun sa hihilingin ko na maging priority measure at maisama sa LEDAC. ‘Yun ang pangunahing pag-uusapan namin mamaya kaya kami magko-caucus.” Ayon kay Escudero.
Ernie Reyes naguulat para sa RaodNews
