EX-CONG. ARNIE TEVES PINAYAGANG MAGPIYANSA
ni Joselito Amoranto
PINAGBIGYAN ng Manila Regional Trial Court Branch 12, ang kahilingan ni dating Negros Oriental, 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. na makapag-piyansa sa kasong murder sa isang Board Member na inakusa sa kanya dahil mahina ang ebidensya.
Ayon sa inilabas na resolusyon ng Manila Regional Trial Court Branch 12, niresolba nito ang “motion for bail” na inihain ng kampo ng akusadong si Teves.
Ang nabanggit na kasong kinakaharap ng dating kongresista ay murder noong 2019. Dahil dito, pinagbabayad si Teves ng halagang P120,000 para sa pyansa sa partikular na kaso.

Bagamat pinayagan ng makapagpiyansa si Teves ay may kaso pa rin itong kakaharapin sa korte.
Matatandaan kamakailan ay dumating sa bansa si Teves matapos itong palayain sa Timor Leste Central Authority.
Sa ilalim ng batas sa Timor Leste ay hanggang 90-araw lamang na pwedeng ikulong ang isang pugante sa nasabing bansa.
Si Teves ay iniuugnay sa pagkamatay kay Negros Oriental Governor Roel Ragay Degamo ay iba pa noong Marso 4, 2022.
Joselito Amoranto nag-uulat para sa RoadNews
