Dy, Nanawagan sa Lahat ng Legal na Paraan Upang Mapabalik si Co sa Bansa
MANILA – Nanawagan si House Speaker Bojie Dy III ng agarang aksyon upang mapabalik sa bansa ang dating AKO Bikol Partylist Congressman Zaldy Co, na sangkot sa iskandalo ng flood control.
Sa isang press conference nitong Lunes, Septyembre 29, idiniin ni Dy na gagamitin ang lahat ng nararapat na paraan upang mapilitang humarap si Co sa mga alegasyon. Ang panawagang ito ay kasabay ng pagbibitiw ni Co sa kanyang posisyon.

Dahil sa pagbibitiw ni Co bilang mambabatas, nawalan na rin ng pangil ang Kamara upang ipatawag sya sa House Committee on Ethics.
Habang ipinasa na ni Dy sa DOJ at ICI ang mas malalim na pagsisiyasat at pag-uusig, malinaw na ang kanyang pangunahing hangarin ay ang pisikal na pagbabalik no Co sa Pilipinas upang managot sa mga alegasyon laban sa kanya.
Darwell Baldos nag-uulat para sa RoadNews
