PhilATOM Law, MAGTATAKDA ng MAAYOS, MATALINO at LIGTAS na PAGGAMIT ng Nuclear Technology – SOLONS
Ni Ernie Reyes
Malaki ang papel ng naisabatas na Philippine National Nuclear Energy Safety Act (PhiLATOM) sa ilalim ng Republic Act No. 12305 sa pagsaaayos, matalino at ligtas na paggamit sa nuclear technology sa bansa, ayon sa dalawang senador na pangunahin na nagtulak ng panukala sa Senado.
Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Alan Peter Cayetano at Sherwin Gatchalian na mistulang suri ang PhilATOM sa pagsusulong ng bansa sa paggamit ng enerhiyang nukleyar alinsunod sa itinakdang pamantayan sa pandaigdigang organisasyon.
“Naisabatas na ang isang landmark law na magbibigay ng malinaw na gabay sa paggamit at pamamahala ng nuclear energy sa Pilipinas,” ayon kay Cayetano, tumatayong minority leader sa Senado.

Kamakailan, nilagdaang ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Nuclear Energy Safety Act (Republic Act No. 12305) bilang isang batas nitong September 18, 2025.
Si Cayetano ang nanguna sa pagsusulong ng batas at ipinaglaban ang mga naunang bersyon nito sa Senado bilang chair ng Senate Committee on Science and Technology sa 19th Congress.
“Across the globe, nuclear energy has been used for peaceful and beneficial applications contributing to sectors such as medicine, agriculture, industry, and energy production,” wika ni Cayetano.
Samantala, sinabi naman ni Gatchalian na lumikha ng regulatory framework para sa nuclear power na inaasahang magpapaluwag sa usaping ng kaligtasan na palaging isyu sa paggamit ng naturang enerhiya.
“The way to enhance public confidence in nuclear use is to ensure that mechanisms for its safe utilization are in place. With the measure’s enactment, we are confident that it will address concerns over the risks and hazards of using nuclear power,” ayon kay Gatchalian,
Sa ilalim ng batas, itatag ang PhilATOM bilang isang independent regulatory body na may eksklusibong kapangyarihang mangasiwa sa kaligtasan, seguridad, at mga pananggalang na may kaugnayan sa nuclear energy, mga pinagmulan ng ionizing radiation, at radioactive materials.
“It’s obvious why we need the PhilATOM [as established by the] Nuclear Energy Safety Act. It plays a vital role in treating diseases, food security, improving crop yield, mitigating the effects of climate change and generating clean, reliable power or electricity,” ayon kay Cayetano.
Layon din ng batas na i-update ang mga luma nang batas na may kaugnayan sa nuclear energy at maiwasan ang conflict of interest. Mananatili sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang tungkuling magtaguyod ng nuclear energy, habang ililipat naman sa PhilATOM ang tungkuling mag-regulate.
