DETAILED BREAKDOWN NG P8-B FARM-TO-MARKET ROAD PROJECTS, hirit ni Kiko sa DA
Ni Ernie Reyes
Hiniling ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Department of Agriculture at National Irrigation Authority (NIA) ang detalyadong paglalaan ng P8 bilyong halaga para sa pagpapatayo ng famr-to-market road projects na hinihingi ng ahensiya.
Sa panayam, sinabi ni Pangilinan na hindi siya sumasang-ayon sa naturang panukalang batas hangga’t hindi naibibigay ang lahat ng detalye ng FMR projects upang masuri at matukoy ang lugar at sukat ng itatayong lansangan sa kanayunan.
Lumitaw ito sa isinagawang bicameral conference committee dahil nadoble ang 2026 budget sa FMR projects tungo sa P33 billion, pero, sinabi ni Pangilinan—chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform idenepensa ang pondo ng Department of Agriculture’s (DA) sa Senado na natukoy ngunit tinabla ang P8 bilyon sa proyekto dahil walang espisipikong detalye.
DA sa pamamagitan ng NIA ang magpapatupad ang proyekto.
“Di ba ang Senate version P16B?,” tanong nya na tumutukoy sa Senate-approved FMR budget. “Tapos sa bicam, hiningi natin na magkaroon ng submission doon sa 33 billion na minumungkahi so sinubmit, pina-process namin tapos habang pina-process namin, mayroon kaming na-identify na kulang na actually 8 billion.”

“Initially, walang specifics so tutal hindi pa naman nagclo-close ang bicam, so we will raise this in the bicam and we want coordinates. We want geo-tagging. We want itemized, line-by-line items of each contract, or each project. Kasi hindi pwe-pwede yung lump sum. Di kami papayag sa lump sum,” giit niya.
Miyembro si Pangilinan bilang vice chairman ng subcommittee ng Senate Committee on Finance at miyembro ng bicameral conference committee.
Sinabi pa ni Pangilinan na kanyang isusulong ang rekonsiderasyon sa pag-aapruba sa P33 bilyon maliban kung may itemized geo-tagged coordinates sa FMR projects sa naturang pondo.
Naunang pinuna ni Pangilinan ang paggamit ng lump-sum sa panukalang badyet sa FMR dahil kailangan na tukuyin ang eksaktong coordinates ng bawat proyekto.
Upang matiyak na corruption at abuse free ang pondo, inihain ni Pangilinan ang transparency mechanism at digital governance initiatives sa DA at NIA.
“Among these is a public online dashboard for irrigation projects, where timeline, status, finances (obligated/disbursed/source of funds), awarded contracts, contractors, and geo-tagged photos taken at key stages (start, mid, completion) will be displayed,” ayon kay Pangilinan.
