ZUBIRI NABAHALA SA LUMALALANG KRISIS SA SUGAR INDUSTRY: ‘PBBM, KAILANGAN MAKIALAM NA’
Ni Ernie Reyes
Mahigpit na nanawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makialam sa lumalalang krisis sa industriya ng asukal laban sa patuloy na pagbagsak ng presyo.
Sa pahayag, sinabi ni Zubiri na kailangan nang makialam ang gobyerno sa lumalang krisis dahil masyadong bumagsak ang mill gate price na mas mababa pa sa production cost at napipiga ang magsasaka na kasalukuyang naghihirap sa tumataas na halaga ng famr inputs.
Habang nasisiyahan naman si Zubiri sa desisyon ng Department of Agriculture (DA) na ipahibnto ang importasyon ng asukal sa 2026, pero kailangan ng industriya ang mas malakas, direct intervention upang mapigilan na patuloy na malugi ang sugar farmers.
“They need more help beyond this pause on sugar imports, whether that is through capital infusion, or through a government buying program that will ensure stable income for our sugar farmers and workers, and equitable prices for consumers. We need a strong and decisive DA and SRA to stabilize the mill gate price of sugar,” ani Zubiri.
Isinusulonhg din ni Zubiri ang paggamit sa Sugar Development Fund sa ilalim ng Sugar Industry Development Act, na magsisilbing suporta sa magsasaka na mararamdaman sa sakada partikular sa panahon ng marami ang nalulugi.
“We pour a billion pesos into the Sugar Development Fund every year, so I hope that this is reaching our farmers. Kapag ganitong nalulugi na ang mga magsasaka, dapat saluhin na sila ng SRA by providing better infrastructure, credit and research and development support. If we can maximize the use of the SDF now, we can even push for its increase, para mas maraming magsasaka pa ang matulungan natin,” ayon sa Bukidnon senator.
Masyadong bumagsak ang mill gate prices ng asukal simula nang sugar milling season noong Oktubre 2025, na bumagsak sa P2,200 kada 50 kilogram bag ng asukal nitong Oktubre tungo sa P2,075 sa huling linggo ng Disyembre.
Taliwas ito sa halaga ng asukal na umaabot sa P2,400 hanggang P2, 500 kada sakko noong 2024 milling season.

“Grabe ang hirap na kinakaharap ng sugar farmers natin ngayon. Napakamahal na nga ng farm input, palugi pa ang bentahan ng asukal,” ani Zubiri.
“What used to be P2,500 per bag of raw sugar is now down to P2,000 per bag, while the costs of labor, fertilizer and pesticides have been increasing,” giit niya.
“Napakabigat po ng P300 o P500 na lugi ng mga sugar farmers sa kada bag ng asukal. Paano po nila mapapakain ang kanilang mga pamilya, masasahuran ang kanilang mga manggagawa, at mapaghahandaan ang susunod na crop season kung wala silang kinita ngayong taon?”
Ayon sa nSugar Regulatory Administration, na 88,000 sugar farmers sa, 84 percent ang small farmers na may hindi hihigit sa limang ektaryang taniman.
“We cannot leave our farmers to deal with this crisis on their own. When tens and thousands of already marginalized farmers are operating at a loss, the government has to step in,” ani Zubiri.
“Nagpapasalamat tayo na itinigil na muna ng Department of Agriculture ang pagpasok ng imported sugar ngayong 2026, para naman magkaroon ng pagkakataon ang ating mga magsasaka na makapagbenta sa mas-makatarungang presyo,” giit niya.
“Pero dahil may over-importation tayo ng asukal nitong nakaraang taon, hindi talaga agad na makaka-recover ang ating sugar farmers,” dagdag ng senador.
