TAUNANG BADYET SA LAST-MILE SCHOOL, ISASABATAS SA SENADO

Ni Ernie Reyes

Magkakaroon nang taunang pondo ang pagtatayo ng one-mile school sa buong bansa sakaling maisabatas ang panukala ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan upang mapunan ang kakapusan ng paaralan sa liblib at malalayong lugar.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na pangunahing adhikain ng Senate Bill No. 1842 o ang panukalang   Last Mile Schools Act, na isama ang last-mile schools sa public basic education system sa ilalim ng permanent policy framework.

Itinakda sa panukala ang criteria sa pagtutukoy ng last-mile school kabilang ang paaralan na hindi hihigit sa apat na silid-aralan, makeshift or non-standard rooms, irregular o walang elektrisidad at walang pondo para sa pagkukumpuni o pagtatayo ng bago sa nakalipas na apat na taon.

Kuwalipikado din ang paaralan na may isang oras na layo sa pinakamalapit na lungsod o sentro ng munisipyo o nakatayo sa mahihirap na daan.

“The Department of Education would be mandated to develop tailored programs covering learning delivery, teacher deployment, staffing standards, learner support services, maintenance funding formulas, and performance monitoring,” ayon sa panukala.

Inaatasan nito ang inter-agency coordination na pangungunahan ng Department of Public Works and Highways sa pagtatayo ng kalsada, Department of Energy at National Electrification Administration sa pagtatayo ng sistema ng elektrisidad at   Department of Information and Communications Technology sa pagtatayo ng communications at IT systems.

“Education should be within reach. It is our responsibility, our obligation as lawmakers, to ensure that there are learning opportunities and established education systems for every Filipino learner, regardless of where they live,” ani Pangilinan.