DFA, Ikinabahala ang Pahayag ng Chinese Embassy ukol sa Trabaho ng mga Pilipino
Ni Iza Aldana
Ikinabahala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naging pahayag ng Embassy of China in the Philippines na nagsasabing milyon-milyong Pilipino umano ang maaaring mawalan ng trabaho sakaling masira ang ugnayan ng Pilipinas at China.
Muling hinikayat ng DFA ang Chinese Embassy na gumamit ng responsable at maingat na pananalita sa pagpapalitan ng mga pahayag upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Sa kabila ng mga pagkakaiba, iginiit ng DFA na mananatili itong nakatuon sa diplomasya upang patatagin at isulong ang bilateral relations ng dalawang bansa.

